Flexible work arrangements para sa mga kababaihan na may obligasyon sa kanilang tahanan, isinulong ng isang kongresista

Kasabay ng pagdiriwang ng International Women’s Month ay isinulong sa kamara ang pagpapatupad ng flexible work arrangements para sa mga kababaihan na may obligasyon sa kanilang tahanan.

Mungkahi ito ni House Committee on Labor and Employment Chairman at Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles para makapagpatuloy sa pagtatrabaho ang mga kababaihan ng hindi napapabayaan ang kanilang pamilya.

Kagunay ito ay nanawagan din si Nograles ng pagpapatupad ng social protection programs na magpapahintulot sa mga kababaihan na magtrabaho at magkaroon ng sweldo ng hindi napapabayaan ang kanilang pamilya.


Tinukoy rin ni Nograles ang datos ng Philippine Statistics Authority na noong December 2023 ay umabot na sa 56.27 perceng o 21.9 million kababaihan sa bansa ang nagtatrabaho.

Sabi ni Nograles, mas mababa ito 76.97 percent o 30.2 milyong mga kalalakihan na kasama sa labor force.

Facebook Comments