Umabot na sa mahigit 20 ang kanseladong flights ng flag carrier na Philippine Airlines sa darating na November 20.
Sa nabanggit na cancelled flights 18 dito ang domestic habang 3 naman ang international.
Sa abiso ng PAL kanselado ang mga byahe dahil sa panawagan ng pamahalaan na magbawas pansamantala ng flights habang inaayos at ini-enhance pa ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang kanilang air navigational system.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
International
PR 313 Hong Kong-Manila
PR 538 Denpasar-Manila
PR 655 Riyadh-Manila
Domestic
PR 2141 manila-iloilo
PR 2142 Iloilo-Manila
PR 2521 Manila-Cagayan de Oro
PR 2522 Cagayan de Oro-Manila
PR 2835 Manila-Cebu
PR 2857 Manila-Cebu
PR 2858 Cebu-Manila
PR 2861 Manila-Cebu
PR 453 Manila-General Santos
PR 454 General Santos-Manila
PR 1809 Manila-Davao
PR 1810 Davao-Manila
PR 1821 Manila-Davao
PR 1822 Davao-Manila
PR 1841 Manila-Cebu
PR 1842 Cebu-Manila
PR 1863 Manila-Cebu
PR 1864 Cebu-Manila
Una nang sinabi ni CAAP spokesperson Eric Apolonio na ang pagbabawas ng flights ay isang safety measure habang nagkakaroon ng upgrade sa kanilang air navigational system.
Aabisuhan na lamang ang mga apektadong pasahero kung kailan itutuloy ang kanilang scheduled flights.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>