Flight data recorder ng bumagsak na helicopter sa isang palaisdaan sa malolos, narekober

Hawak na ng aircraft accident investigators ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang flight data recorder ng bumagsak na H130 eurocopter na bumagsak sa isang palaisdaan sa Malolos Bulacan nuong Hwebes.

Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio narekober ang flight data recorder na may registry number PRC 8098 ay nakuha mula sa crash site.

Sinabi pa ni Apolonio na dadalhin sa France ang narekober na flight data recorder para sa technical evaluation .


Aabutin aniya ng 3 hanggang 6 na bwan para masuri ito ng husto ng mga eksperto.

Samantala, dinala na sa CAAP Plaridel hangar ang major parts ng eurocopter na narekober sa crash site.

Taliwas sa nakita ng mga saksi, walang sign of explosion damaged ang helicopter.

Sa nasabing insidente, 3 katao ang nasawi kabilang si Liberato “Levy” Laus dating Clark Development Corporation president at Pampanga business leader kasama ang aide nitong si Wilfran Esteban at pilot na si Everette Coronel.

Facebook Comments