FLIGHT RATIONALIZATION | Senadora Grace Poe, nagbabalang posibleng lumala ang airport congestion sa NAIA

Manila, Philippines – Nagbabala si Senadora Grace Poe na posible pang lumala ang probema ng congestion sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung itutuloy ng gobyerno ang paglilipat ng mga flights sa ibang paliparan.

Paniniwala ni Poe, Chairperson ng Senate Committee On Public Service – expansion o pagpapalawak ng NAIA ang tanging solusyon sa problema.

Layunin aniya ito na dagdagan ang kapasidad ng paliparan para ma-accommodate ang dumaraming bilang ng pasahero.


Humiling si poe sa Manila International Airport Authority (MIAA) na tanggapin ang alok na 350 billion pesos ng isang ‘super consortium’ na interesado sa rehabilitation, expansion, operation and maintenance ng NAIA.

Nakiusap din ang senadora sa MIAA na pag-aralan munang mabuti ang planong rationalization ng domestic at international flights.

Facebook Comments