Flight sa London, na-delay ng higit 24 na oras dahil sa bugs

via RMN Files

Naantala ng 24 na oras ang isang flight sa London papuntang Canada dahil sa mga bug o insekto na nasa eroplano.

Isang pasahero na nagngangalang Jenna Sullivan ang nagreklamo matapos may mahulog na insekto mula sa kisame ng Air Transat flight TS177 na papuntang Vancouver.

Lumabas naman muna ang mga pasahero sa eroplano upang ma-sprayan ng insecticide ang buong eroplano dahil sa mga insekto.


Nagpahayag naman ang mga pasahero ng pagkadismaya sa Twitter.

Pansamantala rin silang tumuloy muna sa hotel at meals na sagot ng airline ang expenses. Humingi rin ng paumanhin ang spokesperson ng Air Transat.

“The safety and comfort of our passengers is of paramount importance, and we are sorry for the delay to our flight to Vancouver which was due to the need to fumigate the aircraft.”

“Passengers were provided with hotel accommodation and meals, and we regret any inconvenience caused by the delay to their journey,” pahayag ng Air Transat.

Facebook Comments