Flights ng Cebu Pacific sa Bacolod, nilimitahan matapos ang travel restrictions ng Negros Occidental

99

Binawasan ng Cebu Pacific ang flights nito mula Maynila patungong Bacolod.

Mula 16 na flights kada linggo ay ginawa na lamang ito ng Cebu Pacific ng 7 beses kada linggo o isang flight kada araw hanggang sa Enero 15.

Kasunod ito ng Executive Order ng Local Government ng Negros Occidental kung saan nililimitahan nito ang pagpasok ng mga pasahero sa kanilang lalawigan mula sa National Capital Region (NCR).


Sa harap ito ng pinaiiral na Alert Level 3 sa National Capital Region kasunod ng biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Inabisuhan na rin ng Cebu Pacific ang mga pasaherong apektado ng kanselasyon.

Facebook Comments