LOKAL NA PAMAHALAAN NG SAN FABIAN, PINAALALAHAN ANG MGA RESIDENTE NITO NA BAWAL BAGUHIN ANG SIZE NG VAX CERT

42
SAN FABIAN, PANGASINAN – Nagpapaalala ang lokal na pamahalaan ng San Fabian sa publiko na ipinagbabawal ang pagbabago ng sukat nito.
Ayon umano sa opisyal na sukat na ibinibigay ng Department of Health (DOH) at ng Department of Information and Communications Technology (DICT), ang opisyal na sukat nito ay A4 at hindi pwedeng gawing ID.
Ang paglulunsad sa pagkuha ng vax cert ay upang unti-unting palitan ang vaccine cards na iniisyu sa iba’t-ibang lugar sa bansa. Libre itong makukuha sa vaxcert.doh.gov.ph/.

Sa panayam naman ng IFM Dagupan kay Provincial Health officer Dra. Anna De Guzman, maaring baguhin ang sukat ng vaccination card na ibinigay ng Provincial Government at maaring i-customized ng bawat lokal na pamahalaan base sa requirement ng mga ito. | ifmnews
Facebook Comments