Manila, Philippines – Dismayado ang Department of Justice (DOJ) sa pagpapawalang sala ng Olongapo Regional Trial Court sa apat na dayuhan sa kasong drug manufacturing kaugnay ng Subic floating shabu laboratory.
Ayon kay Justice Spokesman, Undersecretary Mark Perete, sa kabila ng ebidensyang nakuha sa bangkang sinasakyan ng apat, may pagdududa pa rin ang korte.
Una nang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ito na dapat ang unang conviction sa ilalim ng Duterte Administration kaugnay ng drug manufacturing.
July 11, 2016 nang masabat ng mga otoridad sa baybayin ng Barangay Calapandayan, Subic, Zambales sina Win Fai Lo, Shu Fook Leung, Kam Wah Kwok at Kwok Tung Chan habang sakay ng fishing vessel kung saan nasamsam sa kanila ang mahigit 400 grams ng shabu at hydrogenator na gamit sa paggawa ng shabu.