
Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na ipatupad ang flood control master plan sa buong bansa.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, kasama rito ang mga plano para maiwasan na ang pagbaha dito sa Metro Manila.
Sinabi rin ng kalihim na nanghihinayang ang pangulo sa Flood Control Master Plan para sa Cebu noon pa sanang 2017.
Ang Cebu ay matinding napinsala ng malawakang pagbaha nitong mga nagdaang linggo dahil sa pananalasa ng Bagyong Tino.
Ngayong Martes nang magpulong sina Dizon kasama sina dating DPWH secretary at ngayo’y ICI Commissioner Rogelio Singson, National Irrigation Administration Administrator Eduardo Guillen at ilang concerned agencies para talakayin ang master plan.
Ang naturang plano ay batay na rin sa pag-aaral na isinagawa ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa Cebu ilang taon na rin ang nakalipas.









