CAUAYAN CITY – Matagumpay na nakumpleto ng Department of Works and Highways ang pagbuo sa flood control project sa Mallig River na sakop ng Brgy. San Juan, Quirino, Isabela.
Sa ulat ng DPWH R02, ang proyekto ay nasa 300.8 lineal meter ng slope protection at 60-meter canal.
Sa pamamagitan ng proyektong ito ay mababawasan ang pagbaha, soil erosion, at mas mapapahusay ang drainage sa Mallig River, tributaryo ng Cagayan River.
Pangunahing makikinabang dito ay mga magsasaka dahil hindi na maabot pa ng tubig ang kanilang mga pananim at hindi na rin unti-unting mauubos ang kanilang mga lupa dahil sa soil erosion.
Ang proyekto ay pinondohan ng P96.4 milyon sa ilalim ng 2024 regular infrastructure program.
Facebook Comments