Matapos ang inaprubahang pondo para sa mga susunod pang inisyatibo para maresolbahan ang problema sa baha sa Dagupan City ay nagpapatuloy naman ang konstruksyon ng mga daanan at drainage system na naunang inumpisahan.
Inihayag ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez, sunod na popondohan ang ng St. Therese Road para sa Phase 4 ng proyekto sa Barangay Pogo Chico matapos na makumpleto na ang phase 1, 2, at 3 sa naturang bahagi.
Kasama rin sa mga proyekto ang bahagi ng Dona Victoria Zarate Road para sa upgrading ng PCC pavement at drainage system papunta sa bahagi ng Rioferio Road, Barangay Pantal.
Sunod-sunod naman ang pag-iinspeksyon ng alkalde kasama ang City Engineering Office sa mga isinasagawang road elevation at drainage system upang tiyakin ang kalidad ng pagkakagawa at matapos sa itinakdang panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









