Folayang, Balik Ensayo!

Baguio, Philippines – Puspusan ngayon ang paghahanda ni Eduard `Landslide’ Folayang sa nalalapit niyang laban sa susunod na taon.

Si Folayang, miyembro ng Team Lakay sa Baguio City ay nakatakdang lumaban sa unang bahagi ng 2018 ay dire-diretso ang pagsasanay para makabawi sa kanyang pagkatalo noong Nobyembre at mapatunayan sa kanyang mga kritiko na isang tsamba lang ang nangyari. Matatandaang umani ng batikos ang mabilis niyang pagbagsak pero mas marami pa rin ang humanga sa pagtanggap niya ng pagkatalo.

Muli nating suportahan ang pride ng Baguio at sabay sabay nating panoorin ang kanyang nalalapit na laban.


Facebook Comments