*Cauayan City, Isabela*- Inilunsad ng Pamahalaang Lokal ng Cauayan ang “Food Bank on Wheel” na layong wakasan ang malnutrisyon sa lungsod.
Ayon kay City Mayor Bernard Dy, ito ay makakatulong sa publiko dahil tiyak na mapagkakalooban ang mga residente na kabilang sa malnutrisyon maging yung mga walang kakayahang makabili ng masusustansyang pagkain.
Sinabi pa ni Mayor Dy na bahagi ito ng adbokasiya ng LGU na ‘zero hunger’ sa ilalim ng Global Goals o Sustainable Goals.
Sa pamamagitan aniya nito ay masisiguro na mabibigyan ng prayoridad ang malnutrisyon sa mga malalayong barangay sa lungsod.
Maaari namang magdonate sa LGU ng mga pangunahing pagkain na mailuluto at direkta na umano itong makakarating sa mga lugar na higit na nangangailangan.
Tiniyak naman ng LGU Cauayan na magtutuloy-tuloy ito para unti-unting matugunan ang ilang isyung panlipunan lalo na ang kawalan ng sapat na nutrisyon.