Food boxes para sa mga pamilyang na-relocate sa Trece Martires, Cavite, naihatid na ng Manila LGU; second dose vaccination sa mga bed ridden, ipagpapatuloy ngayong araw

Naihatid na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang nasa 1,100 na food boxes para sa mga dating residente ng lungsod na na-relocate sa Trece Martires, Cavite.

Ito’y bilang bahagi ng COVID-19 Food Security Program (FSP) ng Manila LGU sa gitna ng pademya.

Bukod sa mga nasabign residente, sisikapin rin ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng tulong ang iba pang Manileño na nalipat sa kalapit na lalawigan lalo na’t batid nila na karamihan sa kanila ay hirap ngayon sa buhay.


Samantala, ipagpapatuloy ngayong araw ng lokal na pamahalaan ang pagbabakuna para sa mga bedridden na citizen.

Isasagawa ang second dose vaccination gamit ang Sinovac para sa bedridden citizens mula Districts 3, 4, 5, at 6 na sumailalim sa home service vaccination noong May 3, 2021.

Para sa lahat ng magpapabakuna at sa kanilang mga kaanak, ipakita lamang ang printed waiver form o QR code ng babakunahang indibidwal para sa verification.

Facebook Comments