FOOD CRISIS | Yemen, nahaharap sa malawakang taggutom

Yemen – Inihayag ngayon ng United Nations na halos kalahati na ng populasyon sa Yemen ay umaasa na lamang sa humanitarian aid para mabuhay.

Ayon sa United Nations, grabe ang sitwasyon sa war-torn country at malapit nang tamaan ng famine o malawakang taggutom.

Ang pagkakaroon ng food crisis ay dahil umano sa nagaganap na sagupaan ng saudi-led coalition at iran-backed huthi rebels.


Dahil sa civil war sa Yemen, umabot na sa 10,000 ang nasawi na nagdulot ng humanitarian crisis ng taggutom at cholera.

Mababatid na 50,000 sibilyan ang nasawi noong nakaraang taon dahil sa matinding gutom at mga sakit sa Yemen.

Facebook Comments