NANINDIGAN | Dating BOC Intelligence Officer Jimmy Guban, mananatili pa sa kustudiya ng Senado

Manila, Philippines – Nanindigan si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon na mananatili pa rin sa kustodiya ng Senado si dating BOC Intelligence Officer Jimmy Guban hanggat hindi pa tapos ang kanilang isinasagawang imbestigasyon at hanggat wala pang Warrant of Arrest laban sa kanya.

Ito ang pahayag ni Senator Gordon kasunod ng utos ni Pangulong Duterte na arestuhin si Guban dahil sa pagkakasangkot sa shabu smuggling.

Ayon kay Gordon mananatili pa rin si Guban sa Senado hanggang hindi pa natatapos ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na ilipat si Guban sa pangangalaga ng NBI.


Inirekomenda rin ni Gordo sa DOJ na isailalim sa WPP si Guban dahil mayroon na umanong death threat na natatanggap ang dating Intelligence Officer.

Matatandaan na Setyembe 11 pa nasa kustidiya ng Senado si Guban matapos ma-cite in Contemp ni Gordon dahil sa pagsisinungaling sa pagdinig ng Senado sa 6.8 billion pesos Shabu shipment na pinaniniwalaang napuslit sa pamamagitan ng magnetic lifter.

Facebook Comments