Food Packs sa mga Apektado ng ‘Enhanced Community Quarantine’ sa Cagayan Valley, Handa na

*Cauayan City, Isabela*- Nakatakdang ipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga Local Government Unit (LGUs) sa buong Cagayan Valley ang mga food packs para sa mga apektado ng umiiral na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.

Ito ay matapos manawagan ang ilang pamilya dahil sa kawalan ng makakain sa kanilang pang-araw-araw.

Ayon kay Regional Information Officer Chester Trinidad ng DSWD Region 2, nakikipag ugnayan na sila sa lahat ng mga LGUs para mabigyan sa lalong madaling panahon ang mga pamilyang higit na apektado ng quarantine.


Dagdag pa ni Trinidad na prayoridad din ng kanilang ahensya ang mga Senior Citizen na mabigyan ng tulong dahil sa kawalan ng pambili ng kanilang makakain.

Paliwanag pa ni Trinidad na anumang oras ay ihahatid ang mga tulong sakaling kailanganin ng mga LGUs ang mga ito.
Kaugnay nito, tatlong (3) bayan sa Isabela at pito (7) sa Cagayan ang mga nagrequest na ng tulong mula sa ahensya.
Sa ngayon ay nasa inisyal na 8,000 ang naihandang food packs habang hinihintay pa ang karagdagan na magmumula sa Central Office.

Facebook Comments