May pahayag naman ang isang babae na biktima ng food poison sa ika-90 na kaarawan ni Imelda Marcos na ginanap sa Pasig City.
Ayon kay Leonora, kumain siya ng itlog at kanin na handa sa birthday celebration.
“I wasn’t that hungry so I only ate the egg and a little steamed rice. I vomited and an ambulance took me to the Rizal Medical Centre where I was given an IV drip,” pahayag niya.
“I blame the cook. Everyone knows Madam is blameless since she was not the one who cooked it,” dagdag niya.
Halos 240 na katao ang naitalang dinala sa mga hospital sa Pasig City dahil sa pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagkahilo.
Ang naitalang dahilan ay ang adobong may itlog at patatas na handa sa selebrasyon.
Humingi naman ng paumanhin ang anak ni Imelda na si dating senador Bongbong Marcos sa mga nanakit ng tiyan.
Iniimbestigahan na ngayon ang nangyari na food poisoning.
Si Imelda Marcos ang dating first lady ni Ferdinand Marcos. Kilala siya sa kaniyang luxurious bags and shoes collection.