Pinatitiyak ni Defense and Security Chairman at Iloilo Rep. Boboy Tupas ang food security at food sufficiency ng bansa sa gitna ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Sa isinagawang virtual hearing ng House Defeat COVID-19 Committee, binigyang diin ni Tupas na ang food security ay katumbas ng national stability.
Hindi lamang aniya ang Metro Manila ang dapat na pagtuunan ng pansin pagdating sa sapat na suplay ng pagkain kundi maging ang mga nasa probinsya.
Sa pagtiyak ng sapat na suplay sa mga kanayunan ay mabibigyan rin ng pagkakataon na magpatuloy ang local economy sa mga probinsya tulad ng kabuhayan para sa mga magsasaka.
Iginiit ng mambabatas na sa panahon ngayon ay wala dapat Pilipinong magugutom.
Samantala, pinamamadali na rin ng Kamara ang pagkakaroon ng National ID System na makatutulong sa efficient data collection at banking.
Aniya, naging mas madali sana ang pagtukoy sa mga mabibigyan ng ayuda tulda ng Social Amelioration Program (SAP) kung maaga lamang itong nai-roll out.