FOOD SECURITY | Grupo ng magsasaka, hinamon ang mga senatorial candidates

Manila, Philippines – Hinamon ng mga grupo ng mga magsasaka ang mga mga kandidato sa pagkasenador na humanap ng seryosong solusyon sa problema ng kahirapan at ang usapin sa food security sa bansa.

Ayon kay Antonio Flores, secretary general ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, sa dami nang kandidato na naghain ng kanilang Certificates of Candidacy (COC) sa Comelec, wala pa rin sa kanila ang may malinaw na plataporma na tutugon sa mga pangunahing problema sa bansa.

Base sa survey, mahigit 12 milyon ang self-rated poor habang mahigit sa 8 milyon naman ang sinasabing ‘food poor’.


Sa katotohanan aniya, mahigit sa 80% ng101-million population sa bansa ay mahihirap at nakakaranas ng kasalatan sa pagkain.

Sa mga naghain ng COC, wala pang klaro na nagsabi na dapat ibaba ang presyo ng bigas at pagkain, pero may ilan ang nagsabi na dapat itaas ang sahod, ibaba ang presyo ng bilihin at ibasura ang TRAIN Law.

Sinabi pa ni Flores, may mga basehan na raw ang voting public kung sino ang pipiliing kandidato o hindi sa darating na eleksyon.

Facebook Comments