Food Security ng bansa, maganda ang tugon ng DA

33

Ipinagmalaki ng pamunuan ng Department of Agriculture (DA) na maganda umano ang tugon ng kagawaran sa usapin ng Food Security ng bansa.

Sa ginanap na virtual presser ng Inter-Agency Task Force (IATF) Group in Food Security sinabi ni DA Undersecretary Ariel Cayanan na tumaas umano ang ani noong nakaraang taon at ang bigas naman ay wala aniyang kontribusyon sa inflation.


Paliwanag ni Cayanan, maging ang usapin ng karne ay natutugunan na umano ng mga karatig probinsiya kung saan noong una ay medyo tumataas umano pero unti-unting bumababa hanggang sa naging stable na.

Dagdag pa ng opisyal, sa usapin ng gulay ay maganda naman ang presyo nito sa merkado at walang dapat umanong ipangamba ang publiko dahil sakaling tumaas handa naman ang ahensiya na agad tugunan ang naturang problema.

Facebook Comments