Mga nasa NCR Plus, maaari ng makapagbakasyon sa MGCQ areas

46

Pinayagan ng makabiyahe palabas ng NCR Plus ang mga nais magbakasyon sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat, naglabas na ng resolusyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) na nagbibigay permiso sa mga taga-NCR Plus na magbakasyon o gumala sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ.


Gayunman, ang mga 18-anyos pababa at 65-anyos pataas ay kailangan pa ring magsumite ng resulta ng RT-PCR swab test sa kanilang destinasyon.

Umaasa naman si Puyat na ang panuntunang ito ay magbubunga ng maganda sa industriya ng turismo sa bansa.

Facebook Comments