Tiniyak ng National Economic and Development Authority (NEDA) na nakatutok sila sa pinangangambahang epekto ng La Niña phenomenon sa suppy ng pagkain ng bansa.
Sa harap ito ng nakataas na La Niña watch o posibilidad na pagkakaroon ng matinding mga pag-ulan sa mga susunod na buwan.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, puspusan ang paghahanda ng gobyerno sa onset ng La Niña ngayong Agosto.
Una nang inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagsirit ng inflation rate sa 4.4 percent nitong hulyo mula 3.7 percent noong June.
Inilunsad na rin ng Department of Agriculture (DA) ang Rice for All Program na layong magbenta ng mas murang bigas sa publiko.
Facebook Comments