Food security sa agriculture households, mas mababa – FNRI

Mababa ang food security ng mga pamilyang nasa agrikultura kaysa sa mga regular na pamilya.

Ito ang lumabas sa survey ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI).

Nasa 29.7% ng agricultural households ay may food security, habang 50.6 ng Filipino households na walang engagement sa agrikultura ay may food security.


Sa depinisyon ng United Nations Food and Agriculture Organization, ang food security ay may access sa pagkain sa lahat ng oras.

Ayon kay FNRI Senior Science Research Specialist Cristina Malabad – mataas ang food insecurity ng mga nasa agriculture households.

Ang economic standing ng isang household ay malinaw na nakakaapekto sa food security status nito.

Dagdag pa ni Malabad – ang mga nasa agricultural households ay hindi ikokonsumo ang kanilang sariling crops at sa halip ay ibenta ito para kumita at ipambili ng kanilang pangangailangan.

Isinagawa ang survey mula 2016 hanggang 2018 sa 40,000 respondents sa 40 lalawigan sa bansa, bahagi ng FNRI Expanded National Nutritional Survey 2018.

Facebook Comments