Tinawag na “band-aid solution” ng National Poverty Commission o NAPC ang food stamp program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Pero ayon kay NAPC Vice Chairperson at South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo Jr., bagama’t hindi pangmatagalang solusyon ay maituturing pa rin na isang mahalagang hakbang ang nasabing programa upang matugunan ang kagutuman sa bansa.
Makaka-alalay rin aniya ito sa iba pang programa ng DSWD na tumutugon sa kahirapan.
Kasabay nito, tiniyak ng NAPC na mapupunta ang food stamps sa karapat-dapat na mga benepisyaryo.
Ang NAPC ay nataasang i-coordinate ang pagbuo ng mga polisiya at programa sa pagpapatupad ng “Walang Gutom 2027.”
Facebook Comments