Idineklara ng pamahalaan bilang flagship program ang Walang Gutom 2027: Food Stamp Program ng Department of Social Welfare and Dvelopment.
Alinsunod ito sa inilabas na Executive Order No. 44 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Ayon sa Presidential Communications Office, pamumunuan ng DSWD ang pagpapatupad at pangangasiwa ng Food Stamp Program at ng iba pang social welfare development programs sa bansa.
Nakapaloob din sa kautusan na tukuyin ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng programa sa pakikipagtulungan sa mga stakeholders upang matiyak ang maayos at napapanhong pamamahagi ng food stamp.
Sa ilalim nito, bibigyan ng DSWD ang bawat benepisyaryo ng 3,000 pesos na halaga ng food credits na iloload sa electronic benefit transfer cards na siyang pupwedeng ipamili nila ng mga pagkain sa registered retailers.