Kumpiyansa ang Department of Agriculture (DA) na sapat na supply ng basic food commodities hanggang sa buong taong 2021 sa kabila ng limitasyon sa pagkilos sa gitna ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan.
Ayon kay DA Sec. William Dar, may year-end stock ng bigas para sa loob ng 75 days at target na makamit ang panibagong record harvest na 20.4 million metric tons ng palay.
Ito ay 1 million Metric tons na mataas kumpara noong nakaraang taon.
Dagdag ni Dar, pabor rin ang inaasahan para sa suplay ng ibang major food commodities tulad ng gulay, manok at isda.
Tuloy-tuloy aniya ang DA sa pagpapatupad ng mga programa at mga inisyatiba para palakasain ang food production efforts ng gobyerno.
Facebook Comments