Foot bath, nailagay na sa NAIA; Mga bagong quarantine officers, naitalaga na

Ipinahayag ni Director Ronnie Domingo na napalitan na ang bumubuo sa Bureau of Animal Industry (BAI) Quarantine Stations sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kasabay nito, nakapaglagay na aniya ng foot baths sa lahat ng entry points ng NAIA bilang bahagi ng quarantine protocols laban sa posibleng pagpasok ng mga karne na kontaminado ng African swine fever.

Ang mga bumiyahe galing sa labas ng bansa ay kinakailangang dumaan sa mga foot baths upang mag-disinfect.


Ayon kay Dr. Domingo, ang mga bagong quarantine officers ay sina Dr. Rey Quilang – Terminal 1; Dr. Imer Dante Occeña – Terminal 2; Dr. Joseleo Galicia – Terminal 3 at Dr. Eduardo Jose David – Terminal 4.

Ayon kay Domingo, posibleng problema sa procurement o sa pag-de-deliver ng kanilang mga biniling foot bath ang dahilan ng pagkukulang ng mga nasibak na quarantine officers.

Walang direktang epekto sa kalusugan ng tao ang African swine fever, pero ang pagkalat ng sakit ay maaring magpabagsak sa industriya ng babuyan sa bansa.

Facebook Comments