Menor de edad na Top Most Wanted sa Echague, Isabela, Nahaharap sa 2 Kaso!

170

*Echague, Isabela- *Nahaharap sa kasong Carnapping at Robbery with Forced upon things ang disi syete anyos na lalaki matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito sa Brgy. Silauan Norte, Echague, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Echague ang menor de edad na itinago sa pangalang “Jun-jun” na taga Brgy. Tuguegarao, Echague sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio T. Ong ng RTC Branch 24, Echague, Isabela dahil sa kaso nito.

Dinala na sa himpilan ng PNP Echague ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago itinurn-over sa court of origin nito.

May inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni “Jun-jun” na nagkakahalaga ng P18,000.00 sa kaso nitong pagnanakaw at P300,000.00 naman sa kanyang kasong Carnapping.

Facebook Comments