Pinalakas ng Urdaneta City Police Station ang regular na foot patrols sa mga pangunahing lugar sa lungsod upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, bilang bahagi ng paghahanda ng bansa sa pagho-host ng ASEAN Summit at Related Meetings sa 2026.
Layunin ng pinaigting na presensya ng kapulisan na pigilan ang kriminalidad, tiyakin ang kaligtasan ng publiko, at palakasin ang ugnayan ng pulisya at komunidad. Sa pamamagitan ng foot patrols, nananatiling madaling lapitan at maagap ang mga pulis sa pagtugon sa pangangailangan ng mga residente, manggagawa, at mga bisita.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang Urdaneta City Police Station sa iba’t ibang sektor at stakeholder upang masiguro ang isang ligtas, mapayapa, at maayos na kapaligiran bilang suporta sa matagumpay na pagdaraos ng ASEAN Summit 2026.










