Ipinagbibili na ang ekta-ektaryang lupain ni boxing legend at icon na si Muhammad Ali.
Sa talaan ng isang website para sa top 10 real estate deals, ibinebenta sa halagang $2,895,037 ang 81-acre real estate ni Ali sa Southwestern Michigan ng kaniyang biyudang si Lonnie.
Ang 37 dollars na butal ay sumisimbolo sa 37 career knockouts ni Ali.
Bukod sa bukirin, may kasamang boxing gymnasium at boxing ring ang mansion ni Ali na nasa tabi ng St. Joseph River.
Binili ito ni Ali isang taon matapos niyang talunin si George Foreman noon 1975 sa Rumble in the Jungle at kaparehong taon naman nang pigilan niya si Joe Frazier sa Thrilla in Manila.
Facebook Comments