Manila, Philippines – Nilinaw ngayon ng lokal na pamahalaan ng Kananga, Leyte ang bilang ng nasawi sa kanilang lugar matapos ang pagtama ng magnitude 6.5 na lindol.
Ayon kay Kananga, Leyte Vice Mayor Elmer Codilla – isa lang at hindi dalawa ang naitalang nasawi sa pagguho ng isang commercial building.
Nakilala itong si Gerry Movilla, 40-ayos, na-trap sa tatlong palapag ng gusali.
Batay sa tala ng NDRRMC – dalawa pa lang ang naiulat na nasawi na lindol at kabilang dito ang 19-anyos na si Rhissa Rosales na nahulugan ng hollow blocks sa Barangay Cabaon-An, Ormoc City.
Samantala, dahil sa matinding pinsala ng lindol sa barangay Rizal sa Kananga, Leyte, nagsagawa na ng otoridad ng force evacuation.
Samantala, upang agad na maibalik ang power supply sa Visayas inanunsyo ngayon ng National Grid Corporation of the Philippines ang paglikha ng bypass line.
Ayon sa NGCP ito ang magiging alternatibo, habang hindi pa maaaring magamit ang regular na linya kung saan magkokonekta ito sa Tabango substation patungong Ormoc substation.
Sa pamamagitan nito, ang supply mula sa Cebu ay maaaring makarating hanggang Ormoc substation, habang maibabalik na rin ang koryente sa Bohol, Leyte, Southern Leyte, Biliran at Samar.
Una rito, napinsala ng malakas na lindol ang Unified Leyte Geothermal Power Plants ng Energy Development Corporation (EDC).
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558