Force Evacuation sa Dinapigue Isabela, May Inisyal na Mahigit 40 Pamilya Na!

Dinapigue, Isabela – Mahigit sa apa’tnapung pamilya sa Dinapigue, Isabela ang isinailalim sa force Evacuation dahil sa patuloy na paglakas ng hangin at ulan na dala ng bagyong si ompong.

Ayon kay Mayor Reynaldo Derije ng Dinapique, Isabela, kahapon pa umano nagsagawa ng force evacuation ang pamunuan nito kasama ang mga rescuers at iba’t ibang kasapi ng Munisipal Disasters Risk Reduction and Management Council o MDRRMC.

Aniya patuloy parin ang pag-iikot ng kanilang rescue team upang ilikas ang iba pang pamilya sa posibleng pananalasa ng bagyong ompong sa nasabing bayan.


Manaka-nakang ulan at hangin lamang umano ang nararanasan sa kanilang bayan ngunit malalaki na ang alon sa karagatan malapit sa nasabing bayan.

Samantala, nakaalerto parin ang lahat ng ahensya ng gobyeno sa bayan ng Dinapigue dahil sa isa ito sa coastal area ng lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments