Force Evacuation sa mga Nakatira Malapit sa Bangin at Bahaing Lugar, Laman ng Panukalang Ordinansa!

Ilagan City, Isabela- Isa sa mga inilatag na Ordinansa ng Sanguniang Panlalawigan sa isinagawang Session kahapon, April 4, 2018 ay ang panukalang ipagbawal ang pagpapatayo ng mga Bahay sa mga mabababang lugar na naaabot ng baha at mga lugar sa lalawigan na nakakaranas ng pagguho.

Isa kasi umano ito sa mga problemang nararanasan sa lalawigan na dapat tugunan kaya’t ipinanukala ang ordinansang “Force Evacuation” sa lahat ng mga nakapagpatayo na ng bahay sa mabababang lugar na madalas binabaha.

Batay sa ordinansa, Ito ay pipiliing palikasin ang mga mamamayan na umanoy matitigas ang ulo kaya’t inirekomenda sa naganap na session na huhuliin ang mga ayaw sumunod sa ordinansa at pansamantalang makukulong at may karagdagan pang multa na limang libong piso.


Layunin umano ng Panukalang ito na protektahan ang buhay at mga ari-arian ng bawat isa.

Ipinaliwanag pa sa session na hindi ito parusa bagkus gusto lamang nilang ilayo sa kapahamakan ang bawat Isabelino.

Facebook Comments