Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin, dapat managot sa passport data breach

Manila, Philippines – Iginiit ni Akbayan Partylist Rep. Tom Villarin na dapat managot si Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., matapos makuryente sa isyu ng passport data breach sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay Villarin, nagdulot ng pangamba sa mga aplikante ang pagkakatangay sa kanilang mga personal na impormasyon lalo pa’t inobliga silang magdala ng birth certificates para sa renewal ng passport.

Para kay Villarin, posible na hindi pinayagan ng dating contractor na ma-access ang source code na naglalaman ng mga datos kaya nagkaroon aberya.


Maging si Albay Rep. Edcel Lagman ay naniniwala ring nabiktima ng fake news si Locsin.

Sa simula pa lamang aniya ay kaduda-duda na ang ibinunyag ni Locsin sa social media nito.

Hinala ni Lagman na naghahanap lamang ng palusot ang kalihim upang sa gayon ay hindi matuklasan ng publiko na talagang hindi pala accessible ang mga impormasyon ng passport applicants at nagre-renew sa kanilang system.

Facebook Comments