MANILA – Umapela si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay na huwag bigyan ng ibang kahulugan ang pagbibitiw ni Dating Pangulong Fidel V. Ramos bilang special envoy to China.Giit ni Yasay, kinilala na ng administrasyon na nakatulong si Ramos sa panunumbalik ng relasyon ng China at Pilipinas.Amindao naman si Yasay na hindi na tinuloy ng administrasyon ang ikalawang biyahe ni Ramos para kausapin ang kanyang Chinsese contacts nitong Setyembre dahil malinaw na mismong si Pangulong Duterte na ang bibisita sa China.Ayon naman kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, batay sa resignation letter na ipinadala ni Ramos, nananatiling maganda ang relasyon niya kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Facebook Comments