Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, inulan ng batikos

Inulan ng batikos si Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin Jr. Matapos murahin sa Twitter ang isang reporter ng isang pahayagan.

Iniulat kasi ng reporter ng inquirer ang hindi pagsipot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Closing Ceremony ng ASEAN Summit.

Ayon sa National Union Journalist of the Philippines (NUJP), hindi katanggap-tanggap ang ugali ng Top Diplomat ng bansa na inaasahang magpapakita sa International Community ng husay ng mga Pilipino.


Ginagawa lamang ng reporter ang trabaho nito at hindi malisyoso ang report.

Nararapat lamang na humingi ng sorry ang kalihim

Para sa Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP), mapang-abuso ang mga salitang ginamit ni Locsin.

Pwede naman anilang talakayin ni Locsin ang anumang isyu laban sa Media o anumang sektor pero dapat idaan ito sa disente at mahinahong paraan.

Dapat tratuhin at respetuhin na may dignidad ang lahat ng Pilipino.

Hindi na papatulan ng kalihim ang Tweet ng reporter kung nalaman niyang babae ito at ipinagtanggol si Pangulong Duterte na matiyagang dumalo sa mga pagtitipon sa ASEAN Summit.

Paliwanag naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kailangang umalis agad ng pangulo dahil maraming trabaho ang sasalubong sa kanya pagbalik ng bansa.

Samantala, handang mag-sorry si Locsin kung hihingi rin ng paumanhin ang reporter at ang Inquirer.

Facebook Comments