Kinumpirma ng Malacañang na humingi na ng paumanhin si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa hindi magandang pahayag nito kaugnay sa presensya ng mga barko ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mismong kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian humingi ng paumanhin si Locsin.
Paglilinaw pa ni Roque, personal na pananaw ni Locsin ang naging pahayag sa pagpapaalis sa mga barko ng China at hindi opisyal na polisiya ng gobyerno ng Pilipinas.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte kagabi na hindi dahilan ang alitan sa teritoryo ng Pilipinas at China para magpahayag ng hindi maganda.
Facebook Comments