Manila, Philippines – Todo ngayon ang pasasalamat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat mainstream Media sa malaking kontribusyon nito sa tagumpay na 31st ASEAN Summit nitong araw ng Lunes hanggang araw ng Martes.
Sa Talumpati ni Pangulong Duterte kagabi ay sinabi nito na malaki ang naging papel ng mainstream media para ipaalam sa puibliko ang tunay na layunin ng ASEAN summit.
Paliwanag ng Pangulo, ang mga naganap na pulong kasama ang mga lider ng ibang bansa ay naglalayong pagandahin ang buhay sa buong rehiyon habang pinalalakas ang ASEAN community.
Nagpasalamat ang pangulo sa Mainstream Media dahil sa epektibong pagpapaabot sa publiko ng mga mensahe na dapat nilang malaman.
Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte na maraming napagtagumpayan ang nakaraang 31st ASEAN Summit para maipatupad ang mga tatlong community Pilar ng ASEAN partikular ang Political-Security Community, Economic Community, at Socio-Cultural Community patungo sa ASEAN vision 2025.
Foreign at local mainstream media, pinuri ni Pangulong Duterte
Facebook Comments