Foreign direct investments sa bansa, bumaba nitong buwan ng Setyembre – BSP

Bumaba ang foreign direct investments (FDI) sa bansa nitong Setyembre, batay sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang FDI net para sa buwan ng Setyembre ay nasa 626 million dollars, na mas mababa sa 774 million dollars noong Agosto.

Ito ay dahil sa mas mababang inflow sa debt instruments sa nabanggit na buwan.


Mas mababa rin ito sa 680 million dollars na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Samantala, tumaas naman ang net equity placements sa 187 million dollars noong Setyembre, mula sa 31 milyon dollars noong Agosto na karamihan ay mula sa Singapore, Japan, at United States.

Dumausdos din sa 351 million dollars ang net debt instruments, mula sa 577 million dollars noong Agosto, na mababa pa rin sa 555 million dollars na naitala sa buwan ng Setyembre noong nakaraang taon.

Facebook Comments