Manila, Philippines – Tumaas ng 11 porsiyento ang Foreign Direct Investments (FDI) sa bansa.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas – sa nakalipas na unang dalawang buwan pa lamang ng 2017, umaabot na sa 1.05 bilyong dolyar ang pumasok na FDI na nakatulong ng malaki upang makapagbigay ng kinakailangang trabaho sa mga Pilipino.
Mas mataas ito sa $947 milyon na naitala noong kaparehong panahon noong 2016.
Nitong Pebrero 2017 lamang lumobo na sa $366 milyon ang naitalang FDI na mas mataas ng pitong porsiyento kumpara noong Pebrero ng nakaraang taon, ayon sa Bangko Sentral.
Ayon sa BSP, ang malakas na tiwala o investor confidence sa ekonomiya ng Pilipinas ang dahilan kaya’t patuloy na sumisigla ang ekonomiya ng bansa.
DZXL558
Facebook Comments