Foreign government assistance at private partnership, kakailanganin ng gobyerno ayon kay PBBM

Binigyang diin ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) ang kahalagahan ng tulong na magmumula sa iba’t ibang foreign government at pakikipag-partner sa mga pribadong sektor sa harap ng ikinasa ng kanyang administrasyon na Medium-Term Fiscal Framework at Eight-Point Socioeconomic Agenda.

Layunin nito na matiyak ang full recovery ng bansa, kung saan kasama sa plano ang may kinalaman sa food security, bawasan ang transport at logistics costs at mabawasan din ang energy prices.

Kaugnay nito’y kinikilala ng presidente ang importansiya ng tulong na manggagaling sa mga foreign government at private partners.


Sa tulong aniya ng mga ito sinabi ng pangulo ay papasok ang hinahangad na investment gaya halimbawa patungkol sa moderno at mas episyenteng pagsasaka at pangingisda.

Sinabi pa ng pangulo na kasama rin ng tulong mula sa private sector at mga foreign gov’t ang minimithing new transport at logistics infrastructure maging ang mga ikinakasang proyekto na may kinalaman sa renewable energy generation.

Facebook Comments