Bahagyang bumaba ang foreign investments ng bansa ngayong ikatlong kwarter ng taon.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ng 22.4% o halos P13.2 billion ang foreign direct investment sa bansa, mula buwan ng Hulyo hanggang Setyembre 2022.
Mas mababa ito kumpara sa foreign investment na P16.2 billion noong 2021.
Ang mga bansang may pinakamalaking ambag sa investment ng Pilipinas ay ang Japan na nakapagbigay ng P4.2 billion, sinundan naman ito ng South Korea na nag-ambag ng P2.2 billion, at Singapore, na nasa P1.2 billion.
Facebook Comments