PBBM, dadalo sa apat na pagpupulong ngayong araw kaugnay sa isinasagawang APEC Summit sa Bangkok, Thailand

Apat na pagpupulong na may kaugnayan sa ginaganap na 29th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting (AELM), sa Bangkok Thailand ang dadaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong araw.

Alas-9:40 ng umaga mamaya (Thailand time) ay dadalo ang pangulo sa APEC CEO Summit na gagawin sa Atheenee Hotel.

Alas-11:00 ng umaga (Thailand time) ay magkakaroon ng private lunch ang pangulo pero hindi inanunsyo ng Office of the Press Secretary kung sino-sino ang makakasama nito sa gagawing private lunch.


Mangyayari rin mamaya dakong alas-5:30 ng hapon (Thailand time) ang Bilateral meeting sa pagitan ng pangulo at ni Chinese President Xi Jin Ping ay posibleng mapag-usapan ang isyu sa pinag-aagawang South China Sea.

Alas-8:00 naman ng gabi (Thailand time) ay makikiisa ang pangulo sa APEC Economic leader meeting and gala dinner sa Royal Thai Conference Hall.

Batay pa sa anunsyo ng OPS, posibleng magkaroon ng isa pang bilateral meeting ang pangulo ngayong araw pero ito ay isinasapinal pa.

Ang pangulo ay magtatagal sa Bangkok, Thailand na bukod sa dahilang pagdalo sa APEC Summit ay nakatakda rin itong makipagkita at kumustahin ang Filipino community.

Facebook Comments