Foreign Investors, pinapayagan nang pumasok sa Pilipinas ayon sa Bureau of Immigration

Pinapayagan na ng Bureau of Immigration (BI) na pumasok sa bansa ang foreign traders at investors o mga na-isyuhan ng visas alinsunod sa Section 9(d) ng Philippine Immigration Act.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang pribilehiyong ito ay sakop ang mga asawa ng dayuhan, mga anak at mga empleyado.

Kasama rin ang mga dayuhang mayroong visa na inisyu ng Bataan Freeport Authority, Cagayan Economic Zone Authority, at Clark Development Corporation.


Ang pagbabago sa travel ban schedules ay batay sa desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Facebook Comments