Foreign journalist, sugatan matapos tamaan ng ligaw na bala sa Marawi City

Marawi City, Philippines – Sugatan ang isang foreign journalist matapos tamaan ng ligaw na bala sa Marawi City.

Nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang bahagi ng leeg ang biktimang si Adam Harvey ng Australian Broadcasting Corporation.

Nasa loob ng Lanao Del Sur Capitol Complex ang dayuhan nang tamaan siya ng bala na pinaniniwalaang galing sa mga sniper ng Maute Group.


Bagama’t daplis lang tama, agad pa rin itong dinala sa Amai Pakpak Hospital para gamutin.

Facebook Comments