Mahigit 400 katao na adik sa sugal, pinagbawalan ng PAGCOR sa lahat ng casino sa Pilipinas

Manila, Philippines – Nasa higit 400 adik sa sugal ang pinagbawalan na ng Philippine Amusement and Gaming Corporation sa lahat ng casino sa Pilipinas.

Ayon kay PAGCOR Chair Andrea Domingo – 50 porsiyento rito ay mga gambling addict na kusang humiling na i-ban sila habang ang kalahating porsiyento ay pinagbawalan na ng kanilang pamilya.

Sa pamamagitan nito, maitataguyod aniya ang responsableng paglalaro sa mga casino.


Ito ay para hindi na rin maulit ang nangyaring insidente sa Resorts World Manila kung saan 37 katao ang nasawi dahil sa pag-atake ng gunman na si Jessie Carlos na pinaniniwalaang nalubog sa utang dahil sa sugal kaya nagawa ang krimen.

Facebook Comments