Foreign ministry ng Russia, pumalag sa akusasyon na spy ng US ang isa nilang top diplomat

19
Ikinagalit ng Russian Foreign Ministry ang balitang isa sa kanilang top diplomat ang itinuturing na isang spy ng Estados Unidos.
 
Ito ay matapos ang pakikipagpulong ni Russian Ambassador Sergey Kislyak Kay US Attorney General Jeff Sessions.
 
Ayon kay Russian Foreign Ministry Spokeswoman Maria Zakharova, naging deputy minister pa si Kislyak ng foreign affairs sa Russia na makailang beses na ring nakikipag-ugnayan sa us ng ilang dekada.
 
Dahil dito, marami ding senior democrats ang nanawagan kay sessions na bumaba na ito sa puwesto dahil sa pakikipagpulong sa Russia.

(photo credit: Wikimedia Commons/Ministry of Foreign Affairs)
 

Facebook Comments