Isang negosyanteng ginang pinagbabaril patay sa QC

20
Patay on the spot ang isang negosyanteng  ginang matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa Brgy. Bagong Pag-Asa Quezon City.

Kinilala ang biktima na  si Rosalia Mape 37 anyos residente  ng Sebastian Street Sitio San Roque Brgy. Pag-Asa QC.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya pasado alas nueve kagabi nakita umano ni Erica Mape anak ng biktima na nakipag-inuman  ang kanyang ina  kasama ang mga kaibigan sa Acasia Street Sitio San Roque Bagong Pag-Asa QC nang biglang sumulpot ang isang hindi kilalang lalaki na nakasuot na ball cap, polo shirt, pantalon maong, sling bag at agad pinaputukan ang biktima gamit ang kalibre 45 baril

Tinamaan si Mape sa mukha at kilikili na siyang ikinamatay nito noon din.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan at motibo ng suspek sa pagpaslang sa negosyanteng ginang.

Facebook Comments