Foreign nationals kabilang ang mga Pilipino, bawal pa ring pumasok sa Saudi Arabia at Brunei – DFA 

Hindi pa rin nagpapapasok ng anumang dayuhan ang Brunei at Saudi Arabia kasabay ng pagpapatupad ng mahigpit na protocols bunga ng COVID-19 pandemic. 

Sa travel advisory, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang mga papayagan lamang pumasok sa dalawang bansa ay ang mga diplomats at United Nations passport holders. 

Kailangan din nilang magpakita ng COVID-19 negative test results na nakuha lamang 72 oras bago ang departure mula sa pinanggalingang bansa. 


Maliban sa dalawang bansa, ang Ukraine ay hindi rin nagpapapasok ng foreign nationals at stateless persons hanggang September 28, 2020. 

Ang Malaysia naman ay nagpapahintulot na sa pagpasok ng mga professionals at visit pass holders mula sa Pilipinas basta mayroong approval mula sa Malaysian Immigration at Investment Development Authority. 

Facebook Comments